NBA | Miami Heat, umabante kontra Atlanta Hawks; Cavaliers, wagi rin

Amerika – Inangkin ng Miami Heat ang kanilang pang-20 playoff spot sa nakaraang 30 seasons matapos na supalpalin ang Atlanta Hawks sa 101-98 na iskor.

Nag-ambag sa panalo si guard Goran Dragic ng 22 points at 10 rebounds at nagdagdag si Tyler Johnson ng 12 points kasunod ang 11 at 10 markers nina Dwyane Wade at James Johnson, para sa Heat.

Samantala sa iba pang laro, wagi naman ang Cleveland Cavalier kontra sa Toronto Raptors sa iskor na 112-106.


Pinangunahan ni Lebron James ang laro sa kanyang 27-ponints habang nag-ambag si Jose Calderon ng 19 points at kumolekta si Kevin Love ng 18 points at 15 rebounds para sa Cavalier.

Ito ang ikalawang panalo ng Cleveland sa huling dalawang linggo kontra sa top team ng eastern conference.

Facebook Comments