NBA | Name your price, Golden State Warriors to Kevin Durant

93

NBA- Nakahandang gawin lahat ng pamunuan ng back-to-back NBA Champions Golden State Warriors para manatili sa koponan si Kevin Durant.

Ayon kay ‘Warriors’ General Manager Bob Myers, ibibigay nila kay Durant ang anumang suweldong nanaisin nito para hindi lumipat ng koponan.

Hindi na raw magkakaroon ng negosasyon dahil wala naman pagdududa sa kakayahan nito.

Si Durant, ang back-to-back finals MVP, ay may player option na manatili pa ng isang taon sa Golden State sa halagang $26-m.

Puwede siyang magdesisyon umalis ngayon off-season dahil option lamang ito.

Pero kung pagbabasehan ang mga pahayag ni Durant pagkatapos ng NBA Finals nais nitong manatili sa Warriors sa mga susunod pa na mga taon.

Facebook Comments