KILOS PROTESTA | Talumpati ni Pangulong Duterte sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, binulabog ng mga militante

158

Kawit, Cavite – Binulabog ng kilos protesta ng ilang raliyista ang pagsisimula ng talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-120 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Kawit, Cavite.

Magsisimula na sana ang talumpati ng Pangulo nang biglang nagsisigaw ang mga raliyista at sinabing “huwad na kalayaan, Duterte patalsikin!”

Hinayaan naman ito ng Pangulo Duterte lalo na at ginagarantiya aniya ng konstitusyon ang freedom of expression.

Ayon kay Pangulong Duterte, nauuwaan niyang hindi lahat ay sang-ayon sa kaniyang pamumuno.

Ang importante aniya, ang lahat ay mayroong pinagkakaisahan at iyon ay ang pagmamahal sa bayan.

Pinayuhan na lang ng Pangulo ang mga pulis na pairalin lang ang maximum tolerance sa mga raliyista.
Ito ang unang pagkakataon na dumalo si Pangulong Duterte sa selebrasyon ng araw ng kalayaan matapos na hindi nakapunta noong nakaraang taon sa commemoration sa Rizal Park.

Facebook Comments