NBA | NBA players – dismayado sa pag-trade ng raptors kay Demar DeRozan

Dismayado ang ilang NBA players sa nangyaring pag-trade ng Toronto Raptors kay Demar DeRozan kapalit ni Kawhi Leonard ng San Antonio Spurs.

Kabilang dito sina Lou Williams ng Los Angeles Clippers; Bradley Beal ng Washington Wizards, damian lillard ng portland trail blazers, at Dwyane Wade ng Miami Heat

Tila nagpasaring naman si Denver Nuggets star Isaiah Thomas sa dati nitong team na Boston Celtics, aniya, parang nababalewala na ang loyalty sa liga.


Una rito, idinaan ni DeRozan sa Instagram post ang pagkadismaya niya na malipat sa ibang team.

Mayroon pa kasi siyang nalalabing tatlong taon at 83-million dollars na kontrata sa Raptors, kabilang ang early termination option para sa 2020-21 season.

Facebook Comments