NBA | No reason to panic ayon kay Warriors head coach Steve Kerr

79

Kahit apat na dikit na sunod na pagkatalo, nanatiling kalmado ang head coach ng defending champion Golden State Warriors.

Ayon kay Steve Kerr walang dahilan para mag-panic ang koponan kahit nasa “unfamiliar territory” ang Warriors.

Ito kasi ang unang pagkakataon na nasa four-game losing streak ang Golden State sa Steve Kerr era.

Sabi pa ni Kerr normal lang sa isang koponan na dumaan sa mga pagsubok gaya ng mga injury at hindi pagkakaunawaan.

Kailangan lang nilang gawin ay malagpasan ang mga ito at patuloy na lumaban.

May kartadang 12-7 win loss slate ang Warriors at nasa ikalimang puwesto sa Western Conference.

Sa apat na talo ng Warriors ay hindi nakapaglaro ang star player nila na si Stephen Curry dahil sa hamstring injury.

Hindi rin nakapaglaro ng tatlong game si Draymond Green dahil naman sa suspension at groin injury.

Facebook Comments