Napigilan ng Orlando Magic ang big comeback ng Boston sa 4th quarter para maitakas ang 93-90 na panalo sa mismong teritoryo ng Celtics sa TD Garden.
Nagmintis sina Kyrie Irving at Gordon Hayward sa kanilang game-tying three pointer sa dying seconds para malasap ng Boston ang kanilang ikalawang talo sa apat na laro.
Umiskor ng game-high 24 points si Nikola Vucevic para umakyat sa 2-2 win loss slate ang Orlando. Apat pang mga Magic player ang umiskor sa double figures.
May 22 points naman si Irving habang may ambag naman na 15 markers si Al Horford para sa Boston na naging matamlay ang laro sa unang tatlong quarter ng laban nila sa Magic.
Bagay naman na sinamantala ng Orlando.
Facebook Comments