NBA | Paul kinukumbinsi ang Houston Rockets na kunin si Carmelo Anthony

Matapos pumirma ng mega-contract para manatili sa koponan, kinukumbinsi naman ngayon ni Chris Paul ang Houston Rockets para kunin si All-Star forward Carmelo Anthony mula sa Oklahoma City Thunder.

Ayon kay Paul, malaki ang magagawa ni Anthony para mapalakas ang Rockets dahil na rin sa kakayahan nito para umiskor.

Magiging third scoring option si Anthony ng Rockets bukod kay Paul at reigning MVP James Harden.


Bukod pa rito ang veteran presence na madadala ni Anthony sa Houston.
Kakapirma lang ni Paul ng apat na taong extension sa Rockets na nagkakahala ng $160M o mahigit 8.4 billion pesos.

Facebook Comments