NBA | Pelicans, tinalo ang Spurs sa triple double ni Randle

Sumandal ang New Orleans Pelicans sa career perfomance ni Julius Randle para durugin ang San Antonio Spurs, 140-126 sa isang high-scoring game sa NBA.

Nagtala kasi ng triple double si Randle—21 points, 14 rebounds at 10 assists— para sa balanseng opensa ng Pelicans.

Umiskor ng team high 29 points, 9 rebounds at 4 assists si Anthony Davis habang may 24 markers naman si E’Twaun Moore para sa New Orleans.


May team high naman na 21 points, 6 rebounds at 5 assists si DeMar DeRozan habang nag-ambag naman ng 20 points si Bryn Flores para sa Spurs.

Facebook Comments