NBA | Philadelphia 76ers, angat na kontra Miami Heat

Amerika – Isang magandang pagbabalik sa hardcourt ang ipinamalas ni Joel Embiid para pangunahan ang Philadelphia 76ers sa 128-108 na panalo sa Miami Heat sa game 3 ng kanilang first round match up.

Kahit nakasuot ng protective mask, hindi napigilan si Embiid para maka-score ng 23 points sa kaniyang play-off debut sa mismong home court pa ng Miami.

May maskara si Embiid dahil sa tinamo nitong orbital bone fracture sa kaniyang kaliwang mata sa pagtatapos ng regular season.


Dahil sa panalo, lamang na ang Sixers, 2-1 sa kanilang serye.

Umiskor naman ng 23 points si Dragic para sa Miami.

Facebook Comments