NBA | Phoenix Suns, kauna-unahang koponan na talo sa 50 laro ngayon season

36

NBA – Hindi umubra sa Cleveland Cavaliers ang homecourt advantage ng Phoenix Suns. Sa iskor na 129-107, wagi ang Cavaliers matapos na magpakawala ng kanyang 69th career triple-double si Lebron James para pahiyain ang Suns. Nagpakitang Gilas din si Kyle Korver na umiskor ng 22 points at ang Fil-Am na si Jordan Clarkson na humataw sa kanyang 23 markers. Dahil sa talo, ang Phoenix ang kauna-unahang NBA team na talo sa 50 laro nito ngayong season. Sunod namang dadayuhin ng Cavaliers ang Portland sa Biyernes habang nakikipagbuno ang Suns sa Utah Jazz.

Facebook Comments