Amerika – Tinuldukan ng San Antonio Spurs ang 11-game winning streak ng Houston Rockets matapos nila itong talunin sa naging laban nila kanina.
Nanalo ang Spurs sa score na 110-83 kung saan bumida sa San Antonio sina Lamarcus Aldridge na may 23-points at 14-rebounds at Rudy Gay na may 21-points.
Nasayang naman ang 25-points ni James Harden ng Rockets kaya at nalasap nila ang lowest scoring game nila ngayon season.
Dahil sa panalo, nanatili ang Spurs sa ika-apat na pwesto ng team standings ng western conference na may 45-32 win/loss record.
Facebook Comments