NBA | Showdown ng Golden State Warriors at Houston Rockets sa Western Conference Finals, selyado na

Tuluy-tuloy na ang hinihintay na bakbakan sa pagitan ng defending champion Golden State Warriors at top-seed Houston Rockets sa western conference finals ng NBA.

Kanina kasi tinalo ng Warriors ang New Orleans Pelicans, 113-104 sa game 5 ng kanilang best of seven series para umabante kontra Houston.

Naginit ang Golden State sa third quarter para iwanan ang Pelicans at maitala ang panalo.


May team high 28 points si Stephen Curry habang may 24 si Kevin Durant at 23 markers naman Klay Thompson para sa Warriors.

Umiskor ng 34 points si Anthony Davis at may 27 naman si Jrue Holiday pero hindi naging sapat ang mga ito para mapigilan ang bakasyon ng Pelicans.

Facebook Comments