Simbahan sa Cauayan City, Nagkaroon ng Sunog!

Cauayan City,Isabela – Nasunog ang air condition ng Pastotal Center ng Our Lady of the Pilar Parish Church sa Cauayan City kagabi sa oras na alas onse kinse.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Senior Fire Officer Eliseo Cabasag, ang Chief Investigator ng BFP Cauayan City, na ang pinagmulan umano ng sunog ay sa isang air condition ng pastoral center na ginamit pa kahit na ito ay sira na.

Sinabi pa ni Fire Officer Cabasag na ayon umano sa janitor ng pastoral center ay matagal nang sira ang air condition pero ginagamit parin ito.

Nadamay rin na nasunog ang isa pang air condition kung saan umabot umano sa kabuuang tatlumpung libong piso ang naging pinsala ng sunog.


Kaagad naman na naapula ang sunog dahil sa apat na fire trucks ang nagresponde at walang naitalang nasaktan sa nasabing pangyayari.

Facebook Comments