NBA | Spurs, Pelicans, nagpasiklab kontra T-Wolves, Rockets

71

Isinalpak ni DeMar DeRozan ang dalawang crucial free throw para ibigay sa kaniyang bagong team na San Antonio Spurs ang 112-108 na panalo laban sa Minnesota Timberwolves.

Tinapos ni DeRozan ang laro na may game high 28 points habang may 21 points at 19 rebounds naman si LaMarcus Aldridge para sa Spurs.


May team high 27 points naman si Jeff Teague para sa T-Wolves.

Hindi naman nagpasindak ang New Orleans Pelicans sa Houston para tambakan ang Rockets, 131-112.

Nagbagsak ng 32 points si Anthony Davis habang may 30 naman si Nikola Mirotic para sa impresibong panalo ng New Orleans sa paboritong Houston Rockets.

Pinangunahan nj Eric Gordon ang Rockets sa kaniyang 21 points habang nag-ambag naman ng tig-19 sina Chris Paul at PJ Tucker.



Facebook Comments