7 Qualities na Hinahanap ng Lalaki sa Isang Babae

9203

Sabi nga nila sa panahon ngayon mahirap na humanap ng forever. Oo totoo yun, mahirap na humanap ng pangmatagalang partner. Kung dati lalaki sa babae lang pero ngayon meron ng babae sa babae , lalaki sa lalaki at kung anu anong gender specifications pa. Ganunpaman, ang pagibig ay pagibig. Ika nga nila when love hits you it hits you hard. Ang mga babae ngayon ay may malaking pinagkaiba sa mga babae nuon. Hindi lang sa pananamit, pananalita , pagaayos , paguugali pati narin sa nakagawiang pagmamahal sa kanilang mga kasintahan. Ngunit paano nga ba malalaman ang katangian ng babae na kaakit akit sa mga lalaki?

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga katangian na hinahangaan ng mga lalaki sa babae. Tandaan hindi ito in order or applicable sa lahat dahil iba iba ang lalaki at iba iba din ang kanilang preferences


Malambing at maalaga

Men are born to be taken care by women. Syempre gusto ng mga lalaki na inaalagaan at pinagsisilbihan sila. Nilalambing at pinaparamdam kung gaano mo sila kamahal .Simula sa mga maliliit na bagay gaya ng pagluluto , paghahanda ng masusuot o makakain hanggang sa pagaalala tuwing nagkakasakit at pagintindi sa arawaraw.

 

Proud and supportive

Gusto ng mga lalaki na maramdaman na proud ang mga girlfriend nila sa kanila at maliban sa parents , girlfriend and number 1 fan nya. Dapat din sinusuportahan ng mga girlfriend ang kanilang partner sa mga hobby nila gaya ng pagbabasketball , paglalaro at kung anu ano pa pwera lamang sa mga bisyo.

 

May Sense of humor

Ang mga lalaki madaling maboring sa isang relasyon lalo na kung parating seryoso ang usapan niyo at madalas  nansesermon ang mga babae sa maliliit na pagaaway. Kaya gusto ng mga lalaki yung mga kwela at makukulit.  Sabi nga nila laughter is the best medicine. Kaya masarap- kung ang makakasama mo ay kwela at may kwenta kausap.

 

Maka-Diyos

Isa rin sa mga katangian na hinahanap ng mga lalaki ay ang mga babaeng may takot sa diyos. Dahil kung maka diyos ang babae tako siyang gumawa ng mga masasamang bagay na ayaw na ayaw ng mga lalaki.

 

Masarap magluto

Sabi sa quote “the best way to a man’s heart is through her stomach” at dahli ang mga babae ang laging nagaasikaso sa bahay, mas naattract ang mga lalaki sa babaeng magaling magluto at marunong sa bahay.   Isa ito sa mga ideal characteristics na gusto ng mga lalaki sa makakasama nila ng pang matagalan

 

May pangarap sa buhay at hindi self-centered

Ang mga lalaki ang tumatayong padre de pamilya  sa bahay pero hindi ibig sabhin nun eh iaasa na sa mga lalaki ang lahat ng responsibilidad sa bahay. Gusto din ng mga lalaki yung mga babaeng may pangarap sa buhay, may plano at may aksyon. Yung tipong strong independent woman. Yung hindi iaasa lahat ng gastos at payables sa mga lalaki, kumbaga let’s get better together .

 

May respeto

Mahalaga na ang partner  ay may respeto sa isa’t isa at marunong magpakumbaba at umunawa.  Gusto ng mga lalaki yung babaeng hindi basta basta naninigaw sa harap ibang mga tao. Syempre ang mga lalaki ayaw na natatapakan ang mga ego nila. Kaya dapat respetuhan lang sa isat isa.


Article written by Ma. Sarah Rose Sampelo

Facebook Comments