NBA star Andrew Bogut, pormal nang magreretiro sa paglalaro

73

Inanunsyo ng National Basketball Associaton (NBA) star na si Andrew Bogut ng Golden State Warriors (GSW) ang pagreretiro nito.

Ayon sa 36-year-old NBA star, bukod sa back at ankle injuries, ang COVID-19 pandemic at pagka-postpone ng 2020 Tokyo Olympics ang naging dahilan ng kanyang pagreretiro.


Nagdesisyon din itong hindi na lumahok sa Olympics para i-representa ang Australia.

Matatandaang naging number 1 draft pick ng Milwaukee si Bogut noong 2005 at nanalo sa NBA Championship sa GSW noong 2015.

Facebook Comments