NBA star Kevin Durant, nakabwena mano ng panalo sa Phoenix Suns debut vs Hornets

Courtesy: Jacob Kupferman/Getty Images

Nagpakitang gilas sa kanyang unang game sa bagong team ang NBA superstar na si Kevin Durant matapos na ilampaso ng Phoenix Suns ang Charlotte Hornets sa makapigil hininga na game, 105-91.

Kumamada ang veteran at 34-anyos ng 23 points, six rebounds, dalawang blocks shots sa loob ng 27 minuto na all-around game.

Kung maalala, binulabog ang liga sa naganap na blockbuster deal nang makuha ng Suns si Durant mula sa Brooklyn Nets noong February 9.


Inabot din ng pitong linggo bago muling nakapaglaro si Durant bunsod ng injury sa kanyang kanang paa.

Gayunman sa laro kanina, hindi nakitaan ng kalawang sa kanyang diskarte si Durant dahil nandoon pa rin ang kanyang pamatay na mid-range jumpers at nagpakawala pa ng dalawang three points.

Samantala, top scorer naman sa Phoenix si Devin Booker na nagbuhos ng 37 points.
Ngayon pa lamang hinuhulaan na lalo pang lalakas ang Suns sa kampanya sa NBA playoffs na nasa pang-apat na puwesto sa Western Conference.

Facebook Comments