NBA | Stephen Curry, bagong record holder ng pinakamaraming three-point shots made sa NBA Finals

Oakland – Binura ni Stephen Curry ang walong taong record sa pinakamaraming three-point shot na nagawa sa NBA Finals kanina sa game 2 ng laban ng defending champion Golden State Warriors at ng Cleveland Cavaliers.

Nagpaulan ng siyam na tira mula sa three-point territory para malagpasan ang walong nagawa ni Ray Allen habang siya ay naglalaro para sa Boston Celtics noong 2010.

May 9 of 17 shooting clip beyond the arc si Curry bago siya inilabas sa court mahigit tatlong minuto pa ang nalalabi sa laro at tambak na ang Cavaliers.


Nagtapos si Curry na may game high 33 points, seven assists at seven rebounds para bitbitin ang Golden State sa 122-103 na panalo at 2-0 lead sa NBA Finals.

Facebook Comments