NBA – Matapos mamahinga ng isang buwan dahil sa injury balik-hardcourt na ulit ang two-time NBA Most Valuable Player na si Stephen Curry.
Bukas ay muling sasabak sa laro si Curry sa laban ng Golden State Warriors kontra New Orleans Pelicans.
Ayon kay Warriors Coach Steve Kerr, 100 percent nang maayos ang kondisyon ni Curry na kitang-kita nang sumalang ito sa practice nila kahapon.
Pero ngayong araw ay sasabak ulit siya sa ensayo para makasiguro silang wala na siyang magiging problema sa laro bukas.
Facebook Comments