Malaking pasabog ngayon sa mundo ng NBA ang pag-oober da bakod ni Oklahoma City Thunder point guard Russell Westbrook sa Houston Rockets.
At ang kapalit ni Westbrook sa OKC – si Houston Rockets point guard Chris Paul.
The Oklahoma City Thunder have agreed to trade Russell Westbrook to the Houston Rockets for Chris Paul, first-round picks in 2024 and 2026, pick swaps in 2021 and 2025, league sources tell ESPN.
— Adrian Wojnarowski (@wojespn) July 12, 2019
Mapupunta din sa nasabing koponan ang first-round draft picks sa 2024 at 2026 at pick swaps sa 2021 at 2025.
Tiyak na aabangan ng mga fans ang pagbabalik tambalan nina Westbrook at dating MVP James Harden na parehong sinimulan ang NBA career sa OKC.
Sa lumabas na ulat, ginawan ng paraan ng kampo ni Westbrook para tuluyan makalipat sa Rockets.
Oklahoma City GM Sam Presti worked with Westbrook and his agent, Thad Foucher, to deliver the former MVP to his preferred destination: A reunion with James Harden, per sources.
— Adrian Wojnarowski (@wojespn) July 12, 2019
Kabilang ang Westbrook-CP3 trade sa mga hindi inaasahang pangyayari sa nalalapit na pagbubukas ng NBA 2019-2020 season.
Kamakailan, naging mainit sa larangan ng sports ang pagtalon nina 2018 Finals MVP Kawhi Leonard at Paul George sa Los Angeles Clippers.
Tila homecoming para kay CP3 ang paglipat sa Oklahoma dahil naging panandaliang tahanan ito noon ng New Orleans Hornets (dating team ni CP3) bunsod ng pinsalang tinamo ng siyudad sa Hurricane Katrina noong 2005.
Sa ngayon, wala pang nilalabas na detalye kaugnay sa contract agreement na ibibigay ng kanilang bagong koponan.