NBA | Utah jazz, isang panalo na lang ang kailangan kontra Oklahoma City Thunder

Amerika – Isang panalo na lang ang kailangan ngayon ng Utah Jazz kontra Oklahoma City Thunder para makausad na sila sa second round ng NBA playoffs.

Nabatid kasi na nilampaso ng Jazz ang Thunder sa game 4 sa score na 113-96 kung saan bumida sa panalo ang rookie ng Utah na si Donavan Mitchell na may 33-points.

Nag-ambag naman ang bigman ng Jazz na si Rudy Gobert ng 16-points at 10-rebounds habang 13-points at 8-assists ang nakuha ni Ricky Rubio.
Sa ngayon, lamang sa serye ang Jazz sa 3-1 at ang game-5 ay gaganapin naman sa home court ng Oklahoma na mapapanood sa Huwebes.


Facebook Comments