PBA | Columbian Dyip, pipiliting masungkit ang ikalawang panalo

Manila, Philippines – Sisikapin ngayon ng Columbian Dyip na makuha ang ikadalawang sunod na panalo sa magiging laban nila mamayang alas-4:30 ng hapon kontra Meralco Bolts sa nagpapatuloy na PBA Commissioners Cup.

Hangad ng Dyip na masundan ang kanilang panalo kung saan alam nila na napaghandaan sila ng Bolts matapos mapanood ang unang panalo nila kontra Blackwater sa score na 126-98.

Dahil dito, muling aasa si Columbian Dyip Head Coach Ricky Dandan sa import nilang si CJ Aiken at Fil-Am guards na sina Jeremy King at Rashawn Mccarthy na mapapantayan nila ang bigman ng Bolts na si Arinze Onuaku.


Matapos ang laban ng Bolts at Dyip, sunod na maghaharap ang Phoenix at Blackwater na mapapanood sa Araneta Coliseum.

Facebook Comments