NBA | Warriors, masyadong malakas kontra Los Angeles Lakers

NBA – Kahit wala ang Splash Brothers sa kanilang lineup, hindi pa rin napigilan ang Golden State Warriors para ipalasap sa Los Angeles Lakers ang 117-106 na pagkatalo kanina sa NBA. Umiskor si Kevin Durant ng 26 points habang may 12 rebounds naman si Zaza Pachula para Warriors na hindi ininda ang pagkawala nina Stephen Curry at Klay Thompson dahil sa injury. May triple double, 22 points, 10 rebounds at 11 assists naman si Julius Randle para sa Lakers. Sa ibang laro… Panalo ang Orlando Magic kontra Milwaukee Bucks, 126-117 habang nasilat ng Washington ang Boston, 125-124 sa double overtime. Wagi rin ang Sacramento Kings sa Miami Heat, 123-119.

Facebook Comments