NBA | Warriors, priority ang kalusugan ng mga player higit sa makuha ang top seed sa playoffs

Manila, Philippines – Kahit malaki pa ang pag-asa na makuha ang number 1 seed sa play-offs, hindi na ito ang pangunahing target ng defending champion Golden State Warriors. Nais ngayon ng koponan na maging maayos ang kalusugan ng kanilang mga player bago dumating ang post-season. Dahil dito posibleng ipahinga hanggang tuluyang gumaling ang mga star player nito gaya ni Stephen Curry na may ankle injury at Klay Thompson na may bali sa kaniyang daliri. Nasa pangalawang puwesto sa overall standings ang Warriors sa kanilang 51-16 win loss slate. Nangunguna pa rin ang Houston Rockets sa kartadang 53-14.

Facebook Comments