NBA | Warriors star Stephen Curry, pinayagan nang makasama sa full-practice

NBA – Pinayagan na ng mga doktor si Golden State Warriors Star Stephen
Curry na makasama na sa full-practice matapos gumaling sa right ankle
injury nito.

Nabatid na nasa maayos nang kalagayan ang two-time MVP na si Curry matapos
itong mare-evaluate kaya’t inaasahan na makakalaro na ito sa Sabado kontra
sa Atlanta Hawks.

Matatandaan na nakuha ni Curry ang injury sa laban nila sa Spurs nong March
9 kaya’t hindi ito nakapaglaro ng anim na beses.


Samantala, nakatakda naman sumailalim sa re-examine ang splash brother nito
na si Klay Thompson matapos magkaroon ng fractured right thumb.

Facebook Comments