TRAHEDYA SA DAAN | LTFRB, tiniyak na makatatanggap ng death benefits at financial assistance ang mga biktima ng trahedya sa Occidental Mindoro

Manila, Philippines – Tatanggap ng tig-200 libong pisong death benefits ang
mga pasahero ng bus na nasawi sa aksidente sa Sablayan, San Jose
Occidental Mindoro kagabi.

Ayon kay LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada, babayaran ang pamilya ng
mga nasawi mula sa PAMI o Passengers Accident Management Insurance Agency
Inc. na accredited insurance company ng LTFRB.

Ang halaga na ibabayad naman sa mga nasugatang pasahero ay ibabase sa laki
ng pinsala na tinamo nito.


Sa mga single person na kasama sa injured passenger ,para maproseso ang
kanilang claims kailangang isama sa kanilang requirement na isusumite ang
birth certificate at ID ng parents at kung may asawa ang casualty, dalhin
ang married certificate at ID ng surviving spouse.

Sinabi pa ni Atty. Lizada, bukas magtutungo sa dalawang hospital na
pinagdalhan ng mga sugatan ang mga kinatawan ng insurance company at
bibigyan ng financial assistance ang mga injured victims.

Facebook Comments