NBA – Nasungkit ng Golden State Warriors ang ikalawang sunod na panalo matapos tambakan ang New Orleans Pelicans sa naging laban nila sa NBA.
Nanalo ang Warriors sa score na 110-95 kung saan nanguna sa Golden State si Stephen Curry na may 27-points habang nagdagdag naman ang teammate nitong si Klay Thompson ng 24-points.
Hindi naman nahirapan ang Golden State kahit pa hindi pa din pwedeng maglaro si Kevin Durant dahil sa injury.
Samantala, tumipa ng 25-points si Kyrie Irving para pangunahan ang Boston Celtics sa kanilang panalo kontra Indiana Pacers sa score na 108-98.
Dahil dito, nangunguna pa din sa team standings sa eastern conference ang Boston na may 18-3 win/loss record.
Facebook Comments