NANAKIT NG ASAWA | Dating Glee star Naya Rivera, arestado

Amerika – Arestado ang dating Glee star na si Naya Rivera dahil sa pananakit ng kaniyang asawa.

Sa report ng mga pulis ng Kanawha County, West Virginia, tumawag ang asawa ng actress na si Ryan Dorsey matapos na saktan ito sa ulo at mukha.

Ipinakita din ng 34-anyos ang mga pasa nito ganoon din ang video kung paano siya sinaktan ng aktres.


Sinampahan ang actress ng “misdemeanor domestic battery” at nagbayad ito ng $1000 para sa kaniyang pansamantalang paglaya.

Facebook Comments