NBA | Washington Wizards, naitabla na ang serye kontra Toronto Raptors

Amerika – Nagawang maitabla ng Washington Wizards ang serye sa 2-2 kontra sa Toronto Raptors sa nagpapatuloy na NBA playoffs.

Tinalo ng Wizards ang Raptors sa game 4 sa score na 106-98.

Nanguna sa panalo ng Washington si Bradley Beal na may 31-points habang nasayang naman ang 35-points na ginawa ni Demar Derozan ng Toronto.


Ang game 5 naman ay gagawin sa teritoryo ng Toronto sa darating na Huwebes.

Facebook Comments