NBA | Washington Wizards, tinalo ang Boston Celtics sa double overtime game

17

NBA – Tinalo ng Washington Wizards sa double overtime game ang Boston Celtics. Nanalo ang Wizards sa score na 125-124 kung saan nanguna sa Washington si Bradley Beal na may 34-points. Sinamantala ng Wizards ang pagkawala nina all-star point guard Kyrie Irving at center Al Horford ng Boston na kapwa mayroong injury. Sa ngayon nasa ikalimang pwesto sa team standing ng eastern conference ang Washington na may 39 na panalo at 30 na talo habang ang Celtics ay pumapangalawa na may 46-22 win/loss record.

Facebook Comments