BAKBAKAN NA | Nonito Donaire, naghahanda na sa susunod na laban kontra Carl Frampton ng Belfast, Northern Ireland

71

Manila, Philippines – Naghahanda na ngayon si Nonito “The Filipino Flash” Donaire para sa magiging laban nito kontra sa dating World Champion Carl Frampton ng Belfast, Northern Ireland. Magaganap ang laban ni Donaire at Frampton sa April 21 kung saan sa balwarte ng kalaban dadayo ang Pinoy boxer. Ito din ang kauna-unahan na lalaban si Donaire sa Europe kaya’t sa loob ng dalawang buwan ay nageensayo na ito sa isang gym sa Las Vegas. Hindi naman nababahala si Donaire sa makalalaban na may record na 24 na panalo at isang talo dahil aniya mas may experience siya lalo na’t nakamit niya na ang 38 wins at 4 losses.

Facebook Comments