Manila, Philippines – Kinukuha na ng Department of Justice (DOJ) ang panig ng mga ahente ng NBI na naghain ng arrest warrant laban kay Rappler CEO Maria Ressa.
Kasunod ito ng akusasyon na nagkaroon ng pag-abuso sa procedure ang NBI sa paghuli kay Ressa.
Ayon kay Justice Undersecretary Mark Perrte, pagpapaliwanagin nila ang NBI agents kaugnay ng bintang na binantaan ng mga ito ang isang reporter ng Rappler na siya ang isusunod kapag hindi tumigil pagkuha ng video.
Samantala, sa isang hiwalay na pahayag, nilinaw naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi naman ipinagbabawal ang pag-video sa aktwal na pag-aresto ng NBI basta at hindi ito nakakaapekto sa pagkakahuli sa subject.
Facebook Comments