Thursday, February 12, 2026

NBI, bigong matagpuan si Atong Ang sa mga bahay ng mga anak sa Makati

Nabigo ang National Bureau of Investigation (NBI) na matagpuan si Charlie “Atong” Ang sa dalawang bahay ng kanyang mga anak sa isang exclusive subdivision sa Makati City kanina.

Ayon kay NBI Spokesman Palmer Mallari, maging ang mga anak ni Ang ay hindi nila natagpuan nang magsilbi sila ng warrant of arrest.

Naniniwala rin si Mallari na may regular na ugnayan si Ang sa kanyang pamilya kaya hindi nila natagpuan ang mga anak nito.

Samantala, matapos na maitaas sa P20 million ang reward money laban kay Ang, kung saan inaasahan ng NBI na mas marami pa silang matatanggap na impormasyon hinggil sa kinaroroonan ni Ang.

Facebook Comments