NBI clearance, magiging multi-purpose na

Manila, Philippines – Magiging multi-purpose na ang NBI clearance simula sa Oktubre a-dos.

Ito’y bilang tugon sa programa ni Pangulong Duterte na padaliin ang pagkuha ng mga dokumento sa gobyerno.

Ayon kay NBI Deputy Director for Information and Communications Technology (ICT) Service Jose Yap – pwede nang gamitin ang NBI clearance sa anumang requirements kabilang na ang pagpunta sa abroad, local employment, pagkuha ng firearms, negosyo at naturalization.


Papako sa 115 pesos ang pagkuha sa nasabing clearance.

Pero nagkakaroon lamang ng additional fee sa online payment dahil sa koleksyon ng service provider ng ahensya.

Samantala, plano ng ahensya na magkaroon ng NBI clearance renewal card para sa mga magre-renew ng kanilang NBI clearance.

Facebook Comments