NBI Director Jimmy Santiago, naniniwalang reprimand o pagagalitan ang angkop na parusa sa mga ahente nila na nagpa-selfie kay Alice Guo

Hanggang reprimand o ipatatawag at pagsasabihan ito ang nakikitang angkop na parusa ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jimmy Santiago sa kanyang mga tauhan na nagpa-selfie kay Alice Guo.

Humingi ng paumanhin si Santiago sa pagkalat ng ‘selfie’ ni Alice Guo kasama ang kanyang mga tauhan dahil ito aniya ay ‘unprofressional.’

Paliwanag ni Dir. Santiago na masaya lamang ang kanyang mga tauhan dahil sa matagumpay na pagbawi ng NBI kay Guo sa kustodiya ng Indonesia.


Facebook Comments