NBI, hinimok ang publiko na ireklamo ang ilang indibidwal o mga negosyanteng nang-aabuso ngayong may krisis dahil sa COVID-19

Hinihimok ng National Bureau of Investigation (NBI) ang publiko na agad na isumbong sa kanila ang anumang reklamo ng pang-aabuso ng ilang indibidwal o mga negosyante sa kasagsagan ng umiiral ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon.

Kabilang na rito ang overpricing at hoarding sa mga produktong malakas ang demand tulad ng mga face mask, thermal scanners at alkohol ngayong may banta ng COVID-19.

Maaaring makipag-ugnayan sa NBI ang mga sumbong at reklamo sa mga numerong:


– 09664723056 (GLOBE)

– 09617349450 (SMART)

– 09751539146 (REGIONAL)

– 0285240237 (LANDLINE)

Ang mga irereport ay agad na iimbestigahan ng NBI at kung mapatunayang totoo ang reklamo o sumbong, magsasagawa ang operasyon ang mga ahente at sasampahan ng mga kaso ang mga maaaresto.

Matatandaan na nitong mga nakalipas na araw, ilang serye na ng operasyon ang ginawa ng NBI sa Lungsod ng Maynila laban sa mga indibidwal na nananamantala sa panahong may krisis sa bansa, dahil sa COVID-19 kung saan ang iba sa kanila ay nakakulong na at nasampahan na ng kaso.

Facebook Comments