NBI, inatasan na ni Justice Sec. Guevarra na imbestigahan ang sinasabing presensya ng ISIS sa Northern Luzon

Pormal nang inatasan ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang NBI na magsagawa ng malalimang pagsisiyasat kaugnay ng pagkakapasok sa bansa ng ilang dayuhang terorista.

 

Partikular ang sinasabing presensya ng ilang kaalyado ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS sa Northern Luzon.

 

Pina-iimbestigahan dinĀ  ng kalihim ang sinasabing planong paghahasik ng karahasan ng foreign terrorists sa Hilagang Luzon.


 

Agad na pinasasampahan ni Guevarra ng kaso ang mga dayuhan oras na may makuhang ebisensya ang NBI.

 

Inatasan din ni Guevarra si NBI Director Dante Gierran na magsumite sa kanyang tanggapanĀ  ng progress report bago matapos ang buwang kasalukuyan.

Facebook Comments