Mahigpit na ipapatupad ng Mandaluyong Local Government ang pagbabawal na magtinda at manigarilyo sa loob, labas at maging sa paligid ng pamahalaan.
Salig sa City Ordinance #730 ang kautusan na layong ilayo sa bisyo ng paninigarilyo ang mga kabataan gayundin ang gawing Smoke-City Free ang lungsod.
Ipagbabawal ang paninigarilyo at pagtitinda ng sigarilyo 100 metro ang layo o katumbas ng tatlong basketball court ang layo.
Ang mga tindahan o indibidwal na magtitinda ng sigarilyo malapit sa mga paaralan ay pagmumultahin ng P2, 000 sa unang paglabag, Â P3, 000 sa ikalawang paglabag at P4, 000 sa ikatlong paglabag.
Mahaharap din sa tatlo hanggang anim na buwan na pagkakakulong o pagpapawalang bisa sa permit ng mga lalabag na negosyo at establisyimento.