NBI, inatasan ng korte na ilutang si Wellmed owner Brian Sy

Inatasan ng Manila RTC branch 20 ang NBI na ilutang ang isa sa mga may-ari ng WellMed Dialysis Center owner na si Brian Sy.

 

Kasunod ito ng writ of habeas corpus na inilabas ng korte matapos maghain ng petisyon  ang abogado ni Sy na si Atty Rowell Ilagan at ang  maybahay na si Therese Francesca Tan-Sy

 

Binigyan ng korte ang NBI ng hanggang ngayong alas 2 hapon para  dalhin sa Manila City Hall si Sy.


 

Ito ay matapos magdesisyon ang NBI kahapon na isailalim si Sy sa kanilang kustodiya dahil sa reklamong estafa, falsification of public documents at paglabag sa Philhealth laws.

 

 

Pinagpalaliwanag din ng korte ang NBI kung bakit hindi dapat ipatupad ang writ of habeas corpus para kay Sy.

Facebook Comments