Mag-asawa sa Bulacan patay matapos hatawin sa ulo ng 2 menor de edad

478

Pinaghahampas sa ulo gamit ang kahoy na may kadena hanggang tuluyan mamatay ang mag-asawang matanda sa Meycauayan, Bulacan.

Kinilala ang mga biktimang sina Felix Bernabe, 76, at misis na si Estelita, 77.


Agad nadakip ang mga suspek edad 15 at 14 anyos.

Lumabas sa imbestigasyon ng Meycauayan City Police, papuntang palengke ang mag-asawa sakay ng isang tricycle nang biglang harangin ng mga salarin. Matapos komprontahin, isinagawa nila ang karumal-dumal na krimen. Unang pinalo si Estelita at sumunod naman si Felix.

Ayon sa mga salarin, rumesbak sila dahil madalas sitahin ng mag-asawa tuwing kumukuha ng mangga sa puno nito.

Dinala ang mga batang suspek sa kustodiya ng City Social Welfare and Development.

 

 

Facebook Comments