NBI inatasan ni Pangulong Duterte na imbestigahan ang pagpatay sa consultant for hospital operations ng Negros Occidental

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pagpaslang kay Mariano Antonio Cui III, consultant for hospital operations ng Negros Occidental at dating chief-of-staff ni Congressman Jules Ledesma.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque mariing kinokondena ng Pangulo ang nasabing pagpatay kay Cui.

Bilin pa ng Pangulo sa NBI na parusahan ang nasa likod ng krimen at bigyang hustisya at katarungan ang pamilya ng biktima.


Nitong April 12, tinambangan ng mga armadong lalake si Cui habang papauwi ng tahanan sa San Carlos city.

Una na ring bumuo ng special task group ang mga otoridad ng Negros Occidental upang alamin ang puno’t dulo ng krimen.

Facebook Comments