NBI Isabela, Binalaan ang mga Opisyal ng Barangay na hindi panahon ng Eleksyon

*Cauayan City, Isabela*- Nagbabala ang National Bureau of Investigation (NBI) Isabela sa mga opisyal ng pamahalaan na mananamantala gayong nasa krisis ng COVID-19 ang maraming Pilipino.

Ayon kay Provincial Director Timoteo Rejano ng NBI Isabela, direktang ipinag utos ni Pangulong Duterte na imbestigahan ang mga opisyal ng barangay, LGUs at iba pang sangay ng gobyerno na magbabalak nakawan ang taumbayan.

Pinaalalahanan din ni Rejano ang mga opisyal ng barangay na panahon ngayon ng krisis hindi eleksyon kaya’t kinakailangan lamang na mabigyan ng tulong ang mga taong nasasakupan.


Hinalimbawa din nito ang mga boarders o nangungupahan lamang na sakop ng barangay ay kinakailangan na mabigyan ng tulong gaya ng pagbibigay ng relief goods.

Giit pa ng direktor na kung may mga opisyal ng barangay na magtatanong sa isang tao kung ito ba ay botante o hindi at hindi nabigyan ng tulong mangyaring ipagbigay alam lamang sa kanila para agad itong maaksyunan.

Facebook Comments