
Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na hawak na ng pamilya Cabral ang cellphone ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Usec. Catalina Cabral.
Tiniyak din ng NBI na hihingiin nila ang basbas ng pamilya ni Cabral sa ano mang imbestigasyon na gagawin nila.
Pero kapag may mga ebidensya na may kinalaman sa kaso ng flood control case, ang NBI ay maaaring mag-apply para sa cyber warrant para masuri ito.
Nilinaw din ng NBI na kapag ang cellphone ay altered o tampered, maaari pa rin ang forensic examination para ma-detect ang usage o manipulasyon.
Samantala, nag-apply na rin ang NBI ng subpoena sa hotel sa Baguio na tinuluyan ni Cabral.
Layon nito na makakuha ng mga video ilang oras bago natagpuang patay si Cabral sa bangin sa Benguet.









