NBI, mayroon ng hawak na lead sa pagkawala ng higit 30 na sabungero

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na mayroon ng lead ang National Bureau of Investigation sa pagkawala ng 34 na mga sabungero.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, hindi malayong walang maiiwang bakas sa pagkawala ng 34 na sabungero sa halos magkakaparehong sitwasyon.

Aniya, positibo rin sila sa itinatakbog imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) sa pagkawala ng mga ito.


Nauna nang sinabi ni PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Maj. Gen. Eliseo Cruz na may hawak na silang anim na testigo sa kaso.

Facebook Comments