SA MANGALDAN, PANGASINAN: KOLEKTOR, PATAY MATAPOS MAKALADKAD NG ISANG MIXER TRUCK

Dead on the spot ang isang kolektor ng isang pribadong lending institusyon matapos nitong overtake-an ang mixer truck sa Brgy. Buenlag sa bayan Mangaldan, dito sa Pangasinan.
Kinilala ang biktima na si Johncarl Montemayor, 24 anyos at residente ng Bgry. Songkoy sa Calasiao.
Sa naging panayam ng iFM Dagupan sa hepe ng Mangaldan Pulis na si PLTCol. Vicente Castor Jr., nanggaling ang nasabing kolektor na naka motorsiklo sa bayan ng Mangaldan dahil nag-deposito ito ng perang kanyang nakolekta, nang papauwi na ito ay nakita sa CCTV camera na inovertake-an nito ang isang mixer truck, kung saan naagaw nito ang linya ng truck dahilan para mabanggo ng truck ang motorsiklo.

Nakaladkad pailalim ang biktima at magulungan dahilan para ito’y bawian ng buhay.
Ayon pa sa imbestigasyon, natanggal ang helmet nito kung saan napuruhan ang ulo nito.
Itinakbo pa ang biktima sa Rural Health Unit ng Mangaldan para sana sa treatment ngunit ideneklara na itong patay.
Sa ngayon, nagkaroon na ng agreement sa pagitan ng driver ng truck at sa pamilya ng biktima, hindi narin umano magsasampa ng kaso dahil kumbinsido naman ang pamilya ng biktima sa sinapit ng kanilang kaanak. | ifmnews
Facebook Comments