NBI, nagdagdag ng mga ahente na tututok sa mga kaso na may kinalaman sa Cyber Crime

Inihayag ng National Bureau of Investigation (NBI) na magdadagdag na sila ng mga ahente na tututok sa mga kaso ng cyber crime bilang tugon na rin sa dumaraming reklamo at kaso na naitala ng NBI – Cyber Crime Division (NBI-CCD).

Base sa Special Order na nilagdaan ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor, 16 na bagong sinasanay na ahente ay nakatalaga sa NBI Cyber Crime Division na hahawak sa mga reklamo na isasampa ng mga private citizens gaya ng identity theft, online scam o fraud, hacking of bank accounts and personal accounts, phishing, cyber libel, forensic accounting at iba pang paglabag na saklaw ng Cyber Crime Prevention Act of 2012 kung saan lahat ng 16 agents ay pawang mga CPAs and lawyers na galing sa NBI Academy’s Batch 51 “Novus Ilustrado”.

Paliwanag ni Distor, malaking tulong ang NBI agents at inaasahang mapapabilis ang gagawing aksyon ng mga reklamong idinudulog sa ahensya kung saan nagpahayag siya ng pagsuporta at tiwala ang passion at dedikasyon ng mga bagong talagang agent.


Giit ni Distor, sa pagbili ng mga makabagong kagamitan ng NBI alinsunod na rin sa modernization program, ang pagtatalaga ng mga agents para labanan ang mga cyber criminal ay napapanahon at kailangan ng ahensya.

Facebook Comments