Tuesday, March 10, 2026

NBI, naghahanda na ng subpoena kasunod ng reklamo ni Rep. Leila de Lima laban sa 18 ex-marines

Tiniyak ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na magiging patas ang imbestigasyon nito sa reklamong libel at cyber libel na inihain sa NBI ni Rep. Leila de Lima laban sa 18 ex-marines at kay Atty. Levito Baligod.

Kasunod ito ng pagkakasama ni De Lima sa sinasabing tumanggap ng perang dinala ng 18 ex-marines na dating tauhan ni dating Cong. Zaldy Co.

Ayon kay Matibag, sa isinagawang validation, lumitaw aniya na sa 100 kataong kinausap tungkol sa “male-maletang pera”, labing-walo lamang ang lumabas at lumagda sa affidavit.

Base sa Facebook page ni Atty. Baligod, may 103 security personnel na naka-assign kay Zaldy Co, kung saan ilan ay driver at sibilyan lamang at hindi miyembro ng Marines.

Dahil dito, ihahanda na ng NBI ang subpoena para sa pagsisimula ng kanilang imbestigasyon.

Tinitingnan din ng NBI ang anggulong “biktima” lamang din ang labing-walong sundalo.

Facebook Comments