14 pasyente sa New Clark City na nagpakita ng sintomas ng covid, nag-negatibo sa pagsusuri

Nag-negatibo sa Corona Virus Disease o Covid-19 ang labing apat na pasyente sa New Clark City sa Tarlac, na una nang nagpakita ng sintomas ng naturang sakit.

Ito ang kinumpirma ni Health Assistant Sec. Maria Rosario Vergeire kung saan sa sinabi nito na wala pa pang panibagong positibong kaso ng Covid-19 sa Pilipinas.

Dahil naman sa nag-negatibo na sa Covid-19 ang labing apat na sinuri, isa na lamang ang hinihintay ang test results.


Ito ay pasyenteng nadagdag sa bilang kahapon, na nagpakita ng sintomas ng ubo, sipon at lagnat.

Ang lahat ng sinuring pasyente ay Pilipinong sakay ng MV Diamond Princess na galing Japan, na pawang mga crew member.

Nabatid na ang lahat ng mga crew ay kailangang makumpleto ang mandatory 14-day quarantine sa NCC.

Facebook Comments