NBI, naniniwalang may kasabwat ang empleyado ng smartmatic kaya nagkaroon ng security breach sa servers ng COMELEC

Naniniwala ang National Bureau of Investigation (NBI) na posibleng may mga kasabwat ang isang empleyado ng Smartmatick kaya umano na-hack at nagkaroon ng security breach sa servers ng Commission Elections (COMELEC).

Ito ang inihayag ni NBI Cybercrime Division Chief Vic Lorenzo sa ginaganap na pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation hinggil sa usapin sa paghahanda ng COMELEC para sa 2022 national and local elections.

Ayon kay Lorenzo, halos magkakaperahas ng istilo ang modus ng mga hackers mula pa noong 2016, 2018 at 2022 kung saan kapwa may itim na background ang kanilang mga website o pages at saka nag-aalok ng sebisyo para targetin ang anumang kumpaniya o ahensiya ng pamahalaan.


Iginiit pa ni Lorenzo na may nakausap ang nasabing empleyado ng Smartmatic na si Ricardo Argana para ibigay ang kaniyang mga credentials kapalit ng libreng lectures.

Pero, umamin din si Argana na tumatanggap siya ng bayad kapalit ng lecture at ng access sa Smartmatic na posibleng kasabwat niya sa pagha-hack.

Paliwanag naman ni Smartmatic Leagal Officer Christian Robert Lim, nagkaroon na ng pagbabago sa kanilang sistema matapos ang nangyaring security breach kung saan aminado sila na nagkakaloob sila ng laptop sa mga empleyado pero sa ngayon ay pinapaiwan na nila ito sa kanilang opisina.

Inihayag naman ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, na pansamantala nilang pinigil ang P90 million na bayad sa Smartmatic hangga’t hindi nareresolba ang problema.

Aniya, hihintayin nila ang kumpletong ulat ng NBI para malaman ang usapin sa insidente kung saan sinabi ni Chairman Pangarungan na kung nagkaroon ng pagkakamali ay maaaring ma-terminate ang kontrata ng Smartmatic at ma-blacklist ito bilang bidder kasabay ng paghahain ng kaso.

Facebook Comments