Nilinaw ng National Bureau of Investigation (NBI) na hindi sumuko ang pangulo at may-ari ng Mighty Corporation na si Alexander Wong Chu King matapos itong pumunta sa dumating sa Department of Justice (DOJ) kahapon.
Ayon kay NBI Spokesman Ferdinand Lavin, wala pang dahilan para arestuhin nila si Wong Chu King dahil wala pa itong kaso.
Bukod rito, wala pa rin aniya silang nakakukuhang utos mula sa malakanyang na restuhin ito.
Lumutang si Wong Chu King kasunod na rin ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ito ay arestuhin.
Tiniyak naman ni Atty. Sigfried Fortun, Legal Counsel Ng Mighty Corp., na nakahanda silang makipagtulungan sa pamahalaan.
Una nang inutos ni Finance Secretary Sonny Domiguez sa BOC at BIR ang pagsasampa ng P2.2b tax case laban sa Mighty Corporation dahil sa umano'y pamemeke ng kumpanya ng kanilang mga ginagamit na tax stamps sa kanilang mga produkto.
Facebook Comments